Ihalakhak mo, itawa mo, igulong mo, hala sige, hanggang sa maihi!... :þ

=))

Ito ang alamat kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalaki..

***
Karpintero itong si Juan at isang araw eh gumagawa siya ng isang
bahay sa tabi ng ilog.Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag
ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw yung guardian Angel niya, "tutulungan kita, Juan".. .sabay lundag sa ilog.

Lumabas ito na me hawak na Gold hammer, "ito ba ang martilyo mo?" ... "hindi po"....

Lundag uli ang Anghel at lumitaw na me Silver hammer,"ito ba?"..."hindi po"...

Lundag uli sa ilog ang Anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "ito ba?"...."

Opo" ....natuwa ang Anghel. "Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang Gold at Silver hammer"...

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Juan sa may ilog at kasama ang Misis niya. Eh sa hindi inaasahang pangyayari, nalaglag si Misis sa ilog...iyak si Juan

Litaw si guardian Angel, "tutulungan kita"...sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Britney Spears,


"ito ba ang misis mo?"....sagot
si Juan, "Opo"

...nagalit si anghel, "sinungaling ka. Akala ko pa naman mabait ka"...

Nag- reason-out si Juan, "sorry po, Angel...kasi kapag sinabi kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Jennifer Lopez.


At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang tunay na Misis ko na ang kasama mo.. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Britney at Jennifer..

Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una.
***
Moral of the story: Kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki, Eh, for a good and noble reason.
read more “Alamat Kung Bakit Sinungaling Ang Mga Lalaki”
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...