Tuesday, September 21, 2010

Laugh


Makabagong kasabihan: Kagandahan edition
1 ) Para sa magaganda: "aanhin mo ang ganda, kung wala ka namang papa."
2 ) Para sa gustong magpaganda/retokada : "kung gusto mong lumandi, tiisin mo ang hapdi"
3 ) Para sa mga feeling magaganda: "talbog ang matigas na tinapay sa tigas ng mukha ng nagmamagandang inday"
4 ) Para sa mga walang ganda: "mabait man daw at magaling, ang chaka-chaka pa rin"
****

Words to live by ng mga bading (hehehe)
"Walang kaibi-kaibigan pag agawan na ng dyowa ang usapan"
"Sa hinaba-haba man ng prusisyon, bading din pala ang magiging karelasyon."
"Walang matinong lalake sa malanding kumpare"
"Aanhin mo ang guwapo, kung mas malandi pa sa iyo?"
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling dyowa, sa mga bath houses naglipana."
"Matalino man daw ang bading, napeperahan pa rin."
***

T: Ano ang pinakamasakit na maramdaman kung matanda na tayo?
S: 'Yung paggising mo, tapos, pagtingin mo sa tagiliran, matanda rin ang iyong katabi.
***

Symptoms of a CERTIFIED SINGLE:
• Mahilig kumain.
• Panalo ang social life. Alam lahat ng gimikan at mall sale.
• Hayok sa tulog.
• Gadget-addict.
• Sa cellphone, group message nang group message ng quotes.
• Ngumingiti kahit nag-iisa.
• Tumataba.
• Porma to the max.
• Mukhang happy kahit hindi naman talaga.

Symptoms of a CERTIFIED TAKEN:
• Walang pera.
• Mukhang ngarag at laspag.
• Kuripot.
• Blooming, kasi, kailangan para hindi iwan.
• Walang social life kundi dyowa niya.
• Boring kausap.
***

7 tips para maiba naman ang araw mo:
1. Sikmuraan ang unang taong kasalubong at humingi ng sorry.
2. Uminom ng pampatulog labanan ito, magexercise.
3. Tibagin ang bahay gamit ang kutsara at buuin muli.
4. Himatayin kunwari sa daan, tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doctOR
6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos unahan mong umiyak.
7. Makapagtitigan sa isda. Huwag titigil hanggat hindi ito kumukurap...
****

No comments: