:p Dear Mr. Bob Ong, Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya. Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita? In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one? Lubos na gumagalang, - Bartolome - - ANG REPLY - Dear Bartolome, Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak? Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-a...
Ihalakhak mo, itawa mo, igulong mo, hala sige, hanggang sa maihi!... :þ