Mga Dabawenyo, Niyanig sa Kilig at Saya! Halos 2,000 Dumagsa sa Davao Whisky Park para kay Zeinab Harake Parks at Casino Plus!
DAVAO CITY, Pilipinas, 15 AGOSTO 2026 — Niyanig ng internet sensation at "Reyna ng Good Vibes" na si Zeinab Harake Parks ang Davao Whisky Park nitong Biyernes matapos dagsain ng halos 2,000 na sabik na fans para sa isang gabing punong-puno ng laro, hiyawan, at papremyo na handog ng Casino Plus, ang isa sa mga nangunguna at licensed responsible digital entertainment platforms ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa bansa. Nakakabingi ang mga "Zebbies" na walang-humpay na sumisigaw ng “Arat na, Zeinab!” hanggang hatinggabi. Ito ang opisyal na unang pagpunta ng social media star sa tanyag na Kadayawan Festival at kanyang ikalawang pagbisita sa Durian Capital ng Pilipinas. Bilang bahagi ng misyon ng Casino Plus na maghatid ng world-class na saya sa bawat sulok ng bansa, todo-hataw si Zeinab sa pag-aliw sa madla. Nakipag-group selfie ito mula sa entablado, kumuha ng on-the-spot TikTok videos kasama ang limang swerteng meet-and-greet winners, at...