Skip to main content

A Letter to Bob Ong

:p

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,

- Bartolome -

- ANG REPLY -

Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart."

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. (para sa mga hindi maka-“gets”, kapag tinanong ka, ang sagot mo ay, “sapagkat, ikaw lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko”, o kaya naman ay, “you light up my life”…

8. I-text mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko."

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended.”

Handang tumulong lagi,

- Bob Ong -

Comments

wiii galing ni bob ong hahaha thumbs up ako jan!!! gurl ako pero i always want to make my boyfriend smile in every thing i will say

Popular posts from this blog

"Ang Tanging Ina" Movie Funny Lines

:O 1. Pag may tyaga, goodluck! 2. Walang matigas na tinapay sa gutom na tao. 3. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, mauubusan din ng kandila. 4. Ang taong nagigipit, sa Bombay kumakapit. 5. Pag may usok, may nag-iihaw. 6. No guts, no glory, no ID, no entry. 7. Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot. 8. Ang buhay ay parang bato, it’s hard. 9. Kapag ang puno mabunga, mataba ang lupa! 10. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto, muta lang yan. 11. Huli man daw at magaling, undertime pa rin. 12. Matalino man ang matsing, matsing pa rin. 13. Better late than later. 14. Better late than pregnant. 15. Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment. 16. Ang taong naglalakad nang matulin, may utang. 17. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa. 18. Magbiro ka na sa lasing, Magbiro ka na sa bagong gising, ‘wag lang sa lasing na bagong gising. 19. Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid ay puno ng linga. 20. Ang sakit ...

UNO Magazine Releases The Mocha Girls Special

If you think that they are just a simple girl group who gets TV time by dancing and singing on variety shows, think again! There is more to the Mocha Girls than just skin deep attraction. Landing on the cover of UNO, the ultimate guide for men in the Philippines, proves there is more to them than just fleshy beauty. Uno Magazine 2013 Special Holiday Release This pop all-girl group has seen its share of beautiful faces come and go, but one thing that has remained constant is the founder and the person who lent her name to the group, ringleader Mocha Uson. Mocha says what keeps the group going is the drive to reinvent itself. The current members minus Mocha were not there when Mocha Girls started seven years ago. But Mae, Franz, Seika, Georgina, Jhane with Mocha have found a way to use each other's strengths and complement these to form a cohesive, well-oiled pop group that thrives on reinvention. Mocha Girls has earned its share of awards for pop hits and with every ne...

Random Facts

1. Coca-Cola was originally green. 2. The most common name in the world is Mohammed. 3. The name of all the continents end with the same letter that they start with. 4. The strongest muscle in the body is the tongue. 5. There are two credit cards for every person in the United States. 6. TYPEWRITER is the longest word that can be made using the letters only on one row of the keyboard. 7. Women blink nearly twice as much as men!! 8. You can't kill yourself by holding your breath. 9. It is impossible to lick your elbow. 10. People say "Bless you" when you sneeze because when you sneeze, your heart stops for a millisecond. 11. It is physically impossible for pigs to look up into the sky. 12. The "sixth sick sheik's sixth sheep's sick" is said to be the toughest tongue twister in the English language. 13. If you sneeze too hard, you can fracture a rib. 14. If you try to suppress a sneeze, you can rupture a blood vessel in your head...